mga maling akala
- Proud Palawena
- Aug 3, 2024
- 4 min read
Updated: Nov 29
Mga maling akala, in english misconceptions. Bilang pinay sa abroad na nakapangasawa ng kano, maraming misconceptions na nabubuo sa isip ng iba. Kesyo mayaman yung napangasawa, magbubuhay-reyna na, may sariling bahay, shopping dito, shopping doon, travel and so on. Please bear in mind, may mga tulad din po naming hindi nakapangasawa ng mayaman, pero hindi ibig sabihin we're less fortunate. Including me, there are other pinays na nandito and at first, yes hirap kami. Pero we've learned na kahit saan ka pang lumalop ng mundo kung wala kang pangarap, at hindi magsusumikap, hindi ka makakaahon. It is all about trying to achieve something and being determined to get there. Ika nga sa motto dati, "Aim high, pinay!" LOL But kidding aside, I am lucky enough that I am in a place where the possibilities are endless, opportunities are boundless. It isn't the place, it is the person I am with and the situation I am in that I'd say, gave me the push to achieve more, dream more.
Maling Akala #1: Nakapangasawa ng mayaman.
As a pinay, and have lived in a third world country, naiintindihan ko to, we had this mindset na since foreigner at nakatira sa US, automatic mayaman na sila. Dollars, cha-ching! Yes, kumpara sa philippine peso, mataas ang dolyar. But to be honest, mas hirap mabuhay dito. Maraming binabayaran, mamumulubi ka pag mawalan ka ng trabaho. Before, dumating sa point na nagpaycheck to paycheck living situation kami. And it is fine, because I took it as a motivation to do better each year.
Maling Akala #2: Magbubuhay-reyna.

Baka dala nang kakapanood ng mga foreign movies. Narinig ko to sa maraming tao. Close, and not so close. Maaring yung iba nagbubuhay-reyna, and I know a few. But LOL, not me. Nagbubuhay kargador kaya ako. Haha Nagbubuhat ako ng sako ng semento, tinutulungan ko asawa ko magbuhat ng 4x6x12ft na kahoy. Nagpipiko, nagpapala, naghahalo at buhos ng semento. Kung ano anong ginagawa ko. And it was not a bad thing, I preferred it that way. Made me feel stronger physically and emotionally. Even told myself, I am no damsel in distress, I can do it myself. I am proud of it. Hindi ko ikinahihiya yung mga ganito kong ginagawa. My husband admired me more. :P
Maling Akala #3: May sariling bahay.
Mentioned it already in my other blogs. Nope, dumating ako dito wala kaming sariling bahay, ni apartment wala po. Nakikitira lang kami. I remember, nung unang buwan ko dito at nagpost ako ng picture ng panganay ko sa front yard ng tinitirhan namin. People were amused, anlaki daw ng property ni hubby. Well, I had to correct them, and upon doing so, you could sense the dismay in their reaction. Para bang angbaba-baba ng tingin nila sa asawa ko dahil wala syang sariling property. Nakakasad lang, but that's their mindset, wala ako magagawa. Tatlong taon din kaming nag apartment, at kinailanganin ko pang "pukulin sa ulo" yung asawa ko para lang magkabahay kami. I had to help him plan the finances and prioritize things. And, yes, nagkabahay na din kami, muntik pang hindi matuloy. Fixer upper man, at least, amin. Yun ang importante. And a place the kids can really call home.
Maling Akala #4: Shopping doon, shopping dito.
Yung iba siguro, but not me. Hindi ko alam pano nila nagagawa yun. And it is fine. Their life, their choice of lifestyle. They have the means to do it, so let them be. Ako naman kasi, mas gugustuhin ko pang bumili ng pagkain kesa material things. Magsa-shopping man ako, not luho, malamang gamit sa bahay at craft stuff. But I know, sa pinas, when you say shopping, mga damit, gamit sa sarili. Most of my clothes are either hand-me-downs or ukay. Yes, you read it right, may ukayan din dito. Haha, buti nalang. Nakakatipid.
Maling Akala #5: Travel.
Travel, even just simply traveling back to the Philippines for vacation.
Hala! Mahirap po, hahaha, lalo pag paycheck to paycheck living, mahirap makaipon ng pangbakasyon. Akala ng mga tao, not just my people, but my friends as well. Akala nila, madali makauwi ng pinas taon-taon. Plane ticket palang mamumulubi kana. Isa pa, uuwi ka, hindi naman pwedeng hindi ka gagastos, so iipon din ng pang-pocketmoney. Swerte, kung isa ka lang bibiyahe. Paano naman, kung tulad namin, lima agad kami. Kasi hindi naman papayag si jowa ko na magbabakasyon ako, sya hindi. Gusto nya rin mag-hayahay, syempre. At malamang sa malamang, mas gugustuhin ng pamilya ko makita mga napaka-ku-cute kong mgaa anak kesa sa akin.
Maling Akala #6: Hindi kumakain ng rice.
Every time na may makakausap ako sa pinas at sasabihin kong adobo ulam. Nagugulat talaga sila na kumakain kami ng kanin. Kesyo daw, akala nila walang bigas dito sa US, at puro tinapay lang daw ang kinakain. Marami akong kilalalang kano, na mahilig sa fried rice. So, yes, kumakain po kami ng rice, hindi nga lang madalas kasi, iilan lang naman ang alam kong lutuing ulam.
Maling Akala #6: Kapag may sariling kotse, mayaman.
Ay hindi po. Ang pagkakaroon ng may sariling kotse dito ay hindi isang luho, kundi necessity. Main commute to-from work, school, appointments, etcetera. Mahirap yung mga public transportation dito. Like yung bus, either one bus an hour or every 30 minutes, tapos may mga sariling rota pa. Kapag wala sa rota nila yung destinasyon mo, lilipat ka nanaman ng another bus. So, panibagong commute nanaman. Minsan, yung 10 minuite drive to work nagiging 1 hour pag public transportation ang gagamitin. Parang kumbaga sa pinas, mas maigi na may sariling motor pag nagtatrabaho, tipid sa pamasahe at oras. May mga uber or lyft man, mahal pa din at minsan matagal ang antayan.
Maling Akala #6: May snow sa labas ng bahay.
Nasanay kasi tayo na sa movies pag winter time, paglabas ng bahay ay snow agad. Not where we live. Mostly, sa mga high elevation ang snow. Kami naman 45mins to an hour ang biyahe bago makarating sa pinakamalapit na bundok kung saan may snow. Pero malamig talaga sya, hindi kinakaya ng katawan ko ang lamig. Kahit nga hangin lang na sobrang lamig, hindi ko na kaya, yun pa kayang may snow. I know, mahina talaga ako sa lamig, pero mahina rin ako sa sobrang init. Hindi ko alam paano kinakaya ng iba yang sobrang lamig, hahaha
Maling Akala #7: Ano pa ba?
Balikan ko kayo pag may maalala ako. ^_^ Bye for now. Amblig!



Comments